The Philippines
Residential
- Kasabay ng pagsibol ng “new normal” ay ang pagsibol naman ng mga bagong komunidad na dapat abangan ng mga investors. Ang C5 Corridor as nagiging popular ngayon dahilan sa mga bagong komunidad na sinisimulan ng mga malalaking developer tulad ng Ayala Land, Eton Properties, Robinsons and Hong Kong Land na inaasahang magbibigay buhay at sigla sa C5 Circumferencial road na tumatagos sa mga malalaking siudad at central business district. Ang Bridgetown ay isa sa tatlong malalaking komunidad ngayon na dini-develop sa nasabing lugar.
- Ito ay joint venture sa pagitan ng Hong Kong Land at Robinsons Land na ngayon ay bumubuo ng green, mix-used at self-sustainable na lugar na siguradong dadayuhin ng mga tao kung saan pwede sila magtrabaho at mamuhay. Isa sa mga dapat abangan sa proyektong ito ay ang 60-metro na statwa na tinatawag na “ Victor” na magbibigay ilaw sa C5 corridor sa bawat malalaking pagdiriwang sa bansa. Ang monumento na ito ay nagsisimbulo ng pag-asa, lakas at tagumpay.
- Ang Velaris Residences ay ang unang proyekto ng Robinsons Hong Kong Land Corporation na may taas na apat naput’t limang palapag na siguradong magiging tanyag dahilan sa moderno at kakaibang disenyo, makabagong smart-home features at magarbong amenities na magbibigay ng kakaibang experience sa mga maninirahan dito. Ang mga maluwag at magarbong espasyo nito ay maaaring iakma sa kagustuhan ng bawat residente. Ang. Bawat palapag ay may iilang unit lamang at ito ay mayroong sariling elevator, special feature na makikita lamang sa mga 2BR at 3BR na units. Ang proyektong ito ay may tatlong palapag na amenities kung saan nandoon ang Sku Club, Japanese Onsen Spa and lounge. Sa halagang PHP 230,000 to PHP 280,000/ sqm ay magkakaroon ka na ng maluhong pamumuhay at magarbong pamamahay na masasabi nating sulit.
- Ang proyektong ito kasama ng iba pa sa komunidad na ito ay inaasahang tataas ang value sa mga susunod na taon. Sa mga nakaraang sampung taon, ay naitala ang 14 to 29% na pagtaas ng presyo bawal taon at 6 to 8% na kitaan sa pagpaparenta bawat taon. Mga bagay na hinahanap ng mga investors sa isang investment.
Office
- Ang IQI Philippines ay nakakuha ng isang exclusive listing sa siyudad ng Makati. Ang PMI Tower na may all-glass na labas ay may 13,000 sqm na espasyong pwede iparenta mula sa ika-anim hangang ika-labing apat na palapag. Dahilan sa malawak na lay-out at warm-shell na kondisyon ng proyektong ito, siguradong magiging popular ito sa mga bagong kumpanya na gustong magtayo ng opisina sa lugar na ito.
- Sa baba ng gusali na ito ay matatagpuan din ang mga kainan, convenience store at bangko, mga bagay na importante para sam ga kumpanya na may 24/7 na operasyon tulad ng BPO at KPO. Ito ay tinatayang mtatapos sa susunod na buwan at siguradong madadagdag sa listahan ng mga premium na gusali sa siyudad na ito sa presyong PHP 1,300/sqm.
- Ang office segment ng real estate ay nakaranas ng pagbagal dahilan sa lockdown noong mga nkaraang buwan. Inaasahan na ito ay makakabawi muli sa pagpasok ng 2021. Inaasahang bababa ang vacancy rate sa 7% sa dulo ng taon at inaasahan ding tumaas ng 8 to 10% sa pagpasok ng 2021.
Retail/ Commercial
- Ang Philippine logistics industry ay nanatiling matatag sa kabila ng sitwasyon ng Covid-19 na nagkaroon ng malaking impact sa real esatate. Ngayon ay may mataas na demand para sa mga warehouses sa nakaraang anim na buwan at ito ay dahil sa paglaki at paglawak ng e-commerce sa bansa. Inaasahan na lalaki pa ang industry na ito mula 8.2 hangang 8.8% sa 2020 hangang 2024. Tinataya na lalaki ito hangang 1 Trillion pesos sa taong 2023. Naitaya ang paglaki ng demand sam ga lugar ng Bulacan, Laguna, Pampanga at Batangas.
- Ang mga operasyon ngayon ng mga mall ay balik sa 50% subalit sinisigurado nito ang mas mahigpit na safety at health protocol. Ang mga restaurants ay sumusunod din sa protocol at ngayon ay nag-ooperate ng may 50% na kapasidad.
- Ang mga mall operators ay gumagawa din ng paraan na matulungan ang mga tenants ng mall sa pamamagitan ng pagpapaliban ng bayad sa renta, mas maluwag na payment schedule at paniniguro na babalik ang compiyansa ng mga mall-goers sa pamamagitan ng safety at health protocols.
Download the newsletter for more: [sdm_download id=”20759″ fancy=”0″]
Join us! IQI is a multi-award winning global real estate agency and advisory firm, bringing about the latest opportunities, innovations and technological breakthroughs in real estate. Sign up below and our team will get in touch with you as soon as possible.